Search
  • Clyde Mariano

WANTED: HAHASAIN NA MGA ATLETA NG TRIATHLON PARA SA 2019 SEA GAMES


BIBIGYAN ng maha­bang exposures ang mga atle­tang triathletes para ma­pa­natili ang pagdomina sa 2019 Southeast Asian Games na gagawin sa ‘Pinas.

“My ultimate goal is reign supreme anew in the Southeast Asian Games like we did last two editions in Singapore and Malaysia. We can only realize it if our athletes are far superior in performance, well-honed and physically and mentally fit,” ayon kay Triathlon As­sociation of the Philippines head Tom Carrasco sa pa­nayam sa kanya sa opisina ni PSC deputy executive di­rec­tor Atty. Guillermo Iroy.

Sinabi ni Carrasco na pa­lalakasin niya ang kanyang grassroots programs sa pa­mamagitan ng mga torneo nationwide para makatuklas ng mga batang may potensi­yal na kakatawan sa bansa sa iba’t-ibang kompetisyon.

“Yan ang main thrust ng aking administrasyon, ang magsagawa ng mga tourna­ments para makatuklas ng maraming magagaling na atleta na tulad ng kalibre nina Nikko Huelgas, Kim Mangrobang at Claire Adorna,” sambit ni Carrasco.

Ayon kay Carrasco, pre­sident ng Southeast Asia Triathlon Association at In­ternational Triathlon Union Executive Board member, ang tagumpay ng palakasan ay sa pamamagitan ng epekti­bo, malawakan at pangmata­galang programa.

Hindi lang SEA Games, target ni Carrasco makapa­sok ang mga Pinoy sa top 200 para makapaglaro sa 2020 Olympics sa Tokyo kung saan nanalo si Anthony Villanueva ng pilak sa boxing noong 1964 at unang nilaro ang judo.

Itinanghal ang triathlon na National Sports Associa­tion of the Year dahil sa ka­hanga-hangang ipinakita sa 28th Southeast Asian Games sa Singapore sa kabayanihan nina Nikko Huelgas at Claire Adorna at kinuha ni Kim Mangrobang ang pilak sa women.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.