Walang perpekto Ni: Aling Toyang
- BULGAR

- Nov 1, 2018
- 1 min read
Walang perpektong tao, lahat ay nagkakamali panigurado.
Pero, marami pa rin ang hindi makaintindi nito
kung saan hinuhusgahan ka nila kahit
hindi nila kilala ang iyong buong pagkatao.
Minsan sumasakit na ang ulo,
hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
Susuko ba ko o magrereklamo?
Oh, hahayaan na lang silang tapak-tapakan ako.
Maging masama, mabait, maarte at kahit ano ka pa
ay huhusgahan ka pa rin nila.
Kailan kaya matutuldukan ang ganitong kaugalian?
Nakasasawa at nakaiinis na, tama na, puwede ba?
Limutin ang masasamang gawain at huwag
pakialaman ang hindi naman dapat galawin.
Mas bigyan ng panahon ang sarili dahil ito
ang mas makabubuti.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments