- Pabs Hernandez III
Pusher nanlaban napatay
QUEZON—Isang drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation sa Bgy. 8, Lucena City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Dominador Jaime, residente ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, darakpin sana ng mga awtoridad si Jaime, pero bigla nitong pinagbabaril ang pulisya.
Agad umanong gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.
0 comments