Search
  • BULGAR

Para sa mga makakalimutin, read n‘yo 'to, dali! PAGPAPAWIS, EPEKTIB NA PANLABAN SA ALZHEIMER!

Donna Thea Topacio/ Gulat ka 'noh?!

BADTRIP ka ba dahil ma­­­dalas kang pawisan, besh? Oks lang ‘yan dahil alam ba nin­yong ang pagpapawis ay ma­raming naibibigay na health be­nefits? Wow!

Ayon sa mga eksperto, bukod sa nakababawas ng timbang ang pagpapawis, ito rin umano ay epektib na panlaban sa al­zhei­mer’s di­sease.

Ang pagpa­pawis umano ay nakade-detox ng heavy metals sa katawan, nakapo-pro­mote ng relaxation, nakai-improve ng focus at nakagaganda ng daloy ng dugo sa utak kung saan ang lahat ng ito ay ang mga paraan upang maagapan ang pagkakaroon ng alzhei­mer’s disease.

Gayunman, kung gusto n‘yo naman ng mas ma­gandang balat, keri rin umanong so­lusyon ang pagpapawis diyan dahil ang pawis ay tumatayo bilang prebiotic na nagbibigay ng pro­teksiyon upang magkaroon tayo ng mas magandang balat kung saan ang pagkakaroon ng taghiyawat ay naaaga­pan din nito, kaya mas okay na raw ang pawisan kaysa maging oily, beshy!

Samantala, ang pag-eehersisyo ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo pi­nag­papawisan, kaya ito rin ang dahilan kung bakit mas lumalakas ang ating cardiovas­cu­lar sys­tem na na­katu­tu­­long upang mas maging healthy ang ating puso.

Kaya para sa mga beshy na­tin diyang naiirita na sa pagiging pa­wisin, keri lang ‘yan dahil marami na­man kayong makukuhang health be­nefits dito.

Gets mo?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.