Search
  • No Problem

Para fresh inside and out, besh! TIPS PARA HINDI KAAGAD HUMULAS ANG MAKE-UP, ALAMIN!

INIS ka na ba dahil hindi ka pa nakararating sa pupuntahan mo, eh, haggard ka na? Narito ang ilang tips para maiwasan ang paghulas ng makeup.

1. KNOW YOUR SKIN TYPE. Mahalagang malaman natin kung dry, oily, combination o normal skin type tayo. Bakit? Dahil ito ang magiging basehan natin sa pagpili ng makeup products na magwo-work sa ating balat.

2. CHOOSE MAKEUP BASE THAT SUITS YOUR SKIN TYPE. Kung ikaw ay may dry skin, maganda kung dewy finished ang magiging make up base mo. Kung oily naman, pumili ng matte finished na foundation. Sa normal to combination naman, maaaring paghaluin ang dewy at matte finished o depende sa kagustuhan mo.

3. USE PRIMER. Importante ito, besh. Isa ito sa mga sandata upang mas maging makapit ang pundasyon ng makeup mo. Mahal ang primer? Huwag kang mag-alala dahil mayroon nang nabibiling murang primer sa drugstores at department stores dito sa atin!

4. APPLY FOUNDATION AND CONCEALER EVENLY. Ngayong nakapag-primer ka na, i-apply mo na ang napili mong foundation gamit ang brush o sponge. Kung gusto mo ng full coverage na base, gumamit ng brush pang-apply. Kung mas bet mo naman ng natural looking at hindi masyadong plakado, gu­mamit ng sponge dahil mas kaunting product ang nailalagay nito sa mukha.

5. BLEND, BLEND, BLEND. Siguraduhing nai-blend nang maayos ang foundation upang maiwasan ang pagki-crease ng makeup mo sa mga parte ng mukha na oily o dry skin ka. Huwag kang magmadali sa pagbe-blend dahil blending is the key upang maiwasan ang pagpa-patch ng mga liquid product sa mukha.

6. SET YOUR BASE. Heto na, besh, i-set ang area gamit ang loose o compact powder na may­roon ka. Kung oily ka sa ban­dang T-Zone o naglagay ng concealer dito, i-bake ang mga area na ito para mas secured ang foundation/concealer na inilagay mo. Mag-bake lamang sa loob ng lima hanggang sampung minuto. Tandaan, ang sobrang pagbe-bake ay may mataas na tsansa ng pagki-crease ng makeup. Huwag kalimutang i-brush off ang mga sobrang powder para maiwasan ang pagpa-patch ng base mo.

7. APPLY SETTING SPRAY. Final step, mainam na gumamit ng setting spray upang matunaw ang mga excess powder mula sa pagbe-bake.

Nakatutulong din ito upang mag-blend ang liquid at powder na products.

Again, beshy, i-try mo na ang mga step na ito upang maiwasan ang paghulas ng iyong makeup sa buong araw! Stay pretty, okie?

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.