• BULGAR

Malinaw ayon sa birthday...BEBOT NA NAKATAKDANG LUMIGAYA SA LAHAT NG ASPETO NG BUHAY

Maestro Honorio Ong

Dear Maestro,

Sa palagay ninyo, bakit kaya hanggang ngayon ay wala pa ring pag-ibig na kumakatok sa aking puso, ga­yung 38 years old na ako?

Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung magiging matandang dalaga ba ako, habambuhay?

Noong nagtatrabaho ako ay may nanliligaw naman sa akin, kaya lang nu’ng mga panahong ‘yun, ang priority ko ay ang aming pamilya hanggang sa nalibang ako at hindi ko na nabigyan ng atensiyon ang personal kong ikaliligaya.

Sa ngayon, nag-resign na ako sa trabaho at nagtayo na lang ako ng sari-sari store rito sa Batangas.

Maestro, sa tingin ninyo, may pag-asa pa ba akong makapag-asawa at kung mayroon, kailan kaya siya darating at magiging maligaya ba kami? April 5, 1980 ang birthday ko.

Umaasa,

Merlie ng San Jose, Alitagtag, Batangas

Dear Merlie,

Bihira sa mga taong may birth date na 5 at may zodiac sign na Aries ang hindi nakapag-asawa o tumatandang da­laga, pero minsan sadyang huli na at matanda na sila kung makapag-asawa, lalo na’t kung sila ay magiging abala sa kanilang tra­baho o propesiyon.

At dahil nga five (5) ang birth date mo na may ruling planet na Mercury, ito ay nangangahulugang sa mabilis at walang alinlangang pagkilos ay magtatagumpay at magiging maligaya ka.

Kaya ang kailangan mong gawin ngayon ay palagi kang magmadali sa bawat plano at pagkilos na nais mong ma­tupad. Oo, sadyang napakahalaga na hindi ka dapat nagda­dalawang-isip sa iyong mga ginagawa, sa halip, basta buo ang iyong kursunada at alam mong ang gagawin mo ay para sa ikabubuti at ikagaganda ng iyong kapalaran, gawin mo ito kaagad.

Dagdag pa rito, gumamit ka ng kulay pula upang maakit mo ang mainit at matamis na pag-ibig.

Kung medyo naiirita ka naman sa purong pula dahil sobrang tingkad ng nasabing kulay, puwede mong ipalit dito ang mga kulay na pink, violet o kaya ay lavender.

Bukod sa pula, pink at lavender ang kulay na metallic blue, silver at iba pang kulay ng metal ay maaari mo ring isa­alang-alang upang mas madali mong maakit ang ma­gagandang kapalaran, hindi lang sa pag-ibig kundi sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.

Mas makabubuti ring magsuot ka ng singsing na may bato na kulay pula lalo na kung ipalalamuti mo ito sa silver na singsing. Ang nasabing talisman ang magbibigay sa iyo ng bagong sigla at lakas ng loob upang mabuhay ang iyong libido hanggang sa tuluyan ka nang magka-boyfriend at makapag-asawa.

Sa pagpili ng lalaking mamahalin at pakakasalan, isaalang-alang mo silang mga isinilang sa zodiac signs na Sagittarius, Gemini, Leo at kapwa mo Aries, gayundin silang mga lalaking isinilang sa buwan ng Mayo, higit lalo kung ang nasabing lalaki ay may mga birth date na 5, 14, 23, 8, 17, 26, 9, 18, 27, 6, 15, at 24.

Habang ayon sa Love Calendar, kapag sinunod mo ang mga simpleng rekomendasyong inilahad sa itaas, tiyak ang magaganap sa susunod na taong 2019, sa edad mong 39 pataas, magkaka-boyfriend at makapag-aasawa ka na hanggang sa tuluyan ka ng makabuo ng isang masaya at panghabambuhay na pamilya.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.