Search
  • Pabs Hernandez III

Bangkay lumutang sa dagat

LA UNION—Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang nakalutang sa karagatang sakop ng Bgy. Carlatan, San Fernando sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Jomar Sapuang, nakatira sa Bgy. Tangley, Mexico, Pampanga.

Ayon sa ulat, kasama ang kanyang mga kaibigan ay naligo umano si Sapuang sa dagat na sakop ng bayan ng San Juan sa naturang lalawigan pero, napagawi ito sa malalim na bahagi ng karagatan kaya ito nalunod.

Makalipas ang ilang oras na paghahanap ng mga rumespondeng rescue team ay natagpuan ang nakalutang na bangkay ng biktima sa karagatang sakop ng San Fernando, sa nasabing lalawigan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.