• BULGAR

15-anyos lang daw siya noon… RHIAN, UMAMING MAY NAKARAAN SILA NI JM

Janice DS Navida / SHOWBIZ SPECIAL

REBELASYON ni Rhian Ramos sa presscon kahapon ng first team-up nila ni JM de Guzman sa pelikulang Kung Paano Siya Nawala, may ‘nakaraan’ sila ng Kapamilya actor!

Nag-throwback kuwento si Rhian na 15 yrs. old lang daw siya nang una niyang makilala si JM sa GMA-7. Juan Miguel de Guzman pa raw ang pagkakakilala niya noon kay JM at iba pa ang hitsura nito — kalbo at medyo chubby pa.

Pero that time, naging crush niya na agad si JM kaya two weeks daw na pinuno niya ng pangalan ng guwapong aktor ang notebook niya.

At nang magkita at magka­trabaho raw sila sa shooting ng Kung Paano Siya Nawala na mula sa TBA Studios, Tuko Film Productions, Inc. at Buchi Boy Entertainment kung saan co-producers din sila ng aktor, ‘di siya maka­paniwala na si JM at si Juan Miguel de Guzman ay iisa.

But when asked kung nanum­balik ba ang paghanga ni Rhian kay JM lalo’t super-guwapo at yum­my ngayon ng rumored BF ni Barbie Imperial, nilinaw ni Rhian na nagpaka-professional lang silang pareho ng aktor at hindi nila ito hinaluan ng personal feelings kahit pa love story ang Kung Paano Siya Nawala na mula sa direksiyon ni Joel Ruiz.

Five months nang single si Rhian pero hindi ‘yun rason para ma-fall siya agad kay JM dahil lang sweet ang mga characters nila sa movie.

Mature na raw mag-isip ngayon si Rhian at isa ‘yun sa mga na-realize niya — ang ihiwalay ang trabaho sa personal na buhay.

Flattered naman si Rhian nang sabihin ni JM na hindi siya mahirap mahalin, pero wala lang talaga sa love life ang focus niya ngayon dahil mas gusto niyang mag-aral ng comedy improvement abroad kaya halos 6 months siyang mawawala sa ‘Pinas.

Sa Nov. 14 na ang showing ng Kung Paano Siya Nawala at ngayon pa lang, marami na ang excited sa bagong tambalang JM at Rhian dahil gustong makita kung may chemistry ang Kapuso actress at ang Kapamilya actor.

20 views0 comments
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.