- Pabs Hernandez III
Wanted na killer tiklo
BATAAN—Isang wanted na killer ang naaresto ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Mariveles sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Floro Nebrija, residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya si Nebrija sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong homicide sa Batangas.
Hindi nanlaban si Nebrija nang arestuhin ito ng mga awtoridad sa naturang lugar.
0 comments