Search
  • Thea Janica Teh

Socialized Housing Loan Program ng Pag-IBIG Fund, patuloy na tumataas

HELLO, Bulgarians! Ibinahagi ng Pag-IBIG Fund ang pagtaas ng socialized housing loan portfolio kumpara noong nakaraang taon at sa loob ng 9 buwan ay naibahagi ang halos 19,189 tahanan na nagkakahalaga ng P7.440 bilyon.

Ito ay tumaas ng halos 15% sa loob lamang ng 9 na buwan mula January-September. Mas mataas din ng 24% ang na-disbursed kaysa sa P6.017 bilyon noong isang taon.

Ang socialized housing loan ay P580,000 sa 32-square meter residential unit. Kaya sa super affordable housing program na ito, tanging ang Pag-IBIG Fund lamang ang nagbibigay ng 3% interest rate per annum na 33% lower kumpara sa nakaraan na 4.5% per annum.

Target ng Pag-IBIG Fund na bago matapos ang taong 2018 ay maipa­mahagi na rin nila sa kanilang mga miyembro ang halos 26,709 units worth P8.873 bilyon!

♥♥♥

"Caring for Our Heroes” fund drive, inilunsad ng Magiting Class of 1970!

ANG Philippine Military Academy Magiting Class of 1970 ay naglunsad kamakailan ng “Caring for Our Heroes” fund drive na gagamitin sa pagpapatayo ng 8-room Magiting Veterans Annex na may kumpletong pasilidad sa Veterans Memorial Medical Center (VM­MC).

Ang fund raising na ito ay isang golf tournament na ginanap sa Wackwack Golf and Country Club noong October 24, 2018. Ito ay sinalihan ng veterans, retirees at mga kaibigan para suportahan ang mga bayani ng ating bansa.

Inaasahan ng Magiting Class of 1970 na hindi lang dito natatapos dahil ito ang simula ng pagtulong sa mga bayani at nag-aalay ng buhay para sa ating bansa.

♥♥♥

KAMAKAILAN lamang ay ibinahagi na ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan ang dalawang tseke worth P4 milyon sa dalawang Endowment Fund Partners. Samantala, nakatanggap naman ng P3 milyon ang Dr. Serapio Montaner, Jr. Al Haj Memorial Hospital, Lanao del Sur at P1milyon ang Magosatubig Regional Hospital, Zamboanga del Sur.

Ang Endowment Fund ay pagbibigay ng pondo sa mga government hospital para sa mga medical need ng pasyenteng naka-admit sa charity section/ward.

♥♥♥

Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.