- Pabs Hernandez III
Pusher timbog sa buy-bust
SOUTH COTABATO—Isang drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Cannery Site, Polomolok sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Mario Olatan, nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang sachets ng shabu at P500 markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Olatan at sinampahan na siya ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.
0 comments