- BULGAR
P1.4 bilyong tulong para sa biktima ni ‘Rosita’, ready na
KASABAY ng pananalasa ng Bagyong Rosita, inihahanda na ng gobyerno ang pondo para sa mga mabibiktima nito.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa P1.4 bilyon disaster fund ang inilaan.
Kaugnay nito, mino-monitor na ang mga lugar na daraanan ng bagyo at ready na ring maghatid ng tulong sa mga lokal na pamahalaan na maaapektuhan.
Sa ngayon, mula sa nabanggit na halaga, P465, 743,481.71 ang standby fund sa DSWD-Central Office (CO) at field offices. Habang P411, 020,429.10 ang inilaan para sa quick response fund ng CO.
Mayroon na ring hawak na kabuuang 371,763 family food packs ang DSWD na nagkakahalagang P135, 717,678.32, samantala, P803, 803,144.45 food at non-food items ang nakaantabay na rin.
Tulad ng palagi nating sinasabi tuwing may bagyo at ganitong ayuda mula sa gobyerno, magpasalamat tayo sa mga taong nagsisilbing daan para makarating ito sa mga nangangailangan.