top of page

Lalo na ngayong uso na ang bullying at cyber crime… TIPS PARA MABANTAYAN ANG MGA BATA SA SOCIAL MEDI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 31, 2018
  • 1 min read

WORRIED ka ba, momshie dahil kung anu-ano na ang natututunan ng iyong anak sa paggamit ng gadget? Don’t worry dahil narito ang ilang tips sa inyo upang mabantayan ninyo sila sa paggamit ng social media.

1. DON’T ALLOW KIDS YOUNGER THAN 13 ON FACEBOOK. Oh, ayan, paalala sa mga mom­shie, huwag munang pinaga­gamit ang mga anak ng iba’t ibang klase ng social media na wala pa sa hustong gulang dahil baka kung anu-ano ang matutunan nila rito na mai-apply nila sa totoong buhay.

2. CHECK THE PRIVACY SETTINGS. Mai­nam kung gagawing private o lilimitahan ang mga makikitang social media apps o websites ni bagets, kaya make sure na secured sila.

3. USE MO­NITORING APPS. Keri rin daw kung may­roong application sa gadget na nakapagmo-monitor ng mga nabubuksang social media, kaya maaaring i-download ang Net Nanny at Web Watcher upang ma-track ang behavior ng inyong mga anak.

4. HAVE A DISCUSSION. Dapat ding kina­kausap ang bata kung ano ang mga tama at mali nang sa gayun ay hindi na nila subu­kang buksan o tingnan ang isang application na may­roon sila sa kanilang gadget.

5. STAY EDUCATED. Bilang magulang o nakata­tanda, dapat ay ma­ging maa­lam din tayo sa mga bagay-bagay. Kailangang mas ma­ging updated and educated tayo kaysa sa ating mga tsikiting upang mas maging epektibo ang ating pagba­bantay sa kanila.

Kaya naman, maging mapagmatyag tayo sa bawat ikikilos ng ating mga anak, mas masarap sa pakiramdam ang masigurong ligtas sila sa kapahamakan na naidudulot ng social media.

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page