Search
  • No Problem

Lalo na ngayong nalalapit na ang Araw ng mga Patay, besh! TIPS UPANG MAIWASAN ANG GULO SA PAGBISITA

ISANG araw na lang, araw na ng mga patay, kaya for sure ay bibisita tayo sa mga nama­yapa nating mahal sa buhay. Pero, para iwas hassle, beshy, narito ang ilang paraan upang maiwasan ang gulo sa pagbisita sa sementeryo.

1. BE ALERT. Yes, mga besh, kailangang maging alerto tayo dahil kapag Araw ng mga Patay, siguradong maraming tao kung saan sasamantalahin din ng mga kawatan ang pagkakataon para sila ay makapanloko, magnakaw at gumawa ng iba pang iligal na gawain.

2. PREPARE LIFE KIT. Kung pupunta ng sementeryo, mainam na magdala ng life kit. Ang life kit ay nilalaman ng tubig, pagkain, gamot, ekstrang damit, payong at kung anu-ano pa na maaaring makatulong sa inyo sa pagpunta sa sementeryo.

3. BE PATIENT. At dahil maraming tao, for sure na may pila o kaya ay maraming nakaharang sa mga daraanan ninyo, kaya mainam na habaan ang pasensya nang sa gayun ay hindi na mapaaway pa at makaiwas sa gulo.

4. LEARN TO RESPECT AND HAVE DISCIPLINE. Ang lahat ng sementeryo ay may rules and regulations, dapat itong sundin upang walang maging gulo at respetuhin ang mga puntod ng iba, huwag tatapakan o daraanan ang mga ito.

5. REMINISCE. Ang pagbisita sa mga mahal sa buhay ay hindi araw ng kasiyahan, ito ang paggunita ng pag-alala sa kanila noong sila ay nabubuhay pa. Kaya huwag maingay upang maging matiwasay ang lahat.

Kaya palaging tatandaan, disiplina ang susi sa kaayusan. Copy?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.