Kelot huli sa shabu at boga
RIZAL—Isang lalaki ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu at baril, kamakalawa sa Bgy. Dulumbayan, Teresa sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Rolando Cayaco, residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ni Cayaco at dito nakumpiska ang isang sachet ng shabu at kalibre .38 revolver.
Nakakulong na si Cayaco na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearm and ammunitions.





Comments