Search
  • BULGAR

CHICANO, KAMPEON SA TRI-FACTOR, INSPIRASYON NG DEV’T YOUTH SQUAD

PUNO nang dedikasyon ang puso ni

ng Go-For-Gold Philippines sa pagdaraos ng triathlon clinics sa mga liblib na lugar para lamang makahanap ng panibagong mga triathlon talents ang bansa. Muling nagsilbing inspi­rasyon ang national team mainstay sa mga batang triat­letes sa ilalim ng kanyang tutelage matapos niyang magkam­peon sa presti­hiyosong Tri-Fac­tor International Triath­lon sa Quzhou, China.

Pinagharian ni Chicano, ang silver medalist noong 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur ang men’s standard distance sa impresibong 2 oras, 9 na minuto at 17 segundo sa pahirapang bakbakan na nilahukan ng mga 400 mga triathletes.

Ilang top-tier triathletes ang lumarga sa 1.5-km swims, 40-km bike at 10km run event, kabilang na ang New Zealand world champion Cameron Brown, Japanese Olympian Hiroyuki Nihiuchi at Fang Zhou, ang no. 1 triathlete ng China. “To win in an international race with some of the best triathletes in the world is something that our country should really be proud of,’’ ayon kay Go-For-Gold godfather Jeremy Go. “Chicano has become an inspiration to all our young triathletes who are motivated to follow his footsteps as we aim to produce the first Filipino Olympian in the sport,’’ dagdag ni Go.

Sa pag-ayuda na rin ng Go-For-Gold, sinuyod ni Chicano ang grassroots outreach program para sa naturang sport kasama si national team head coach, Melvin Fausto. Nagsikap silang mag­lunsad ng youth development squad sa Cebu na regular na nagtataguyod ng mga kampeon sa local races sa iba’t ibang dako ng bansa. (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.