Search
  • BULGAR

Basta ‘wag mo raw itong didiinan, lodi! PAGKUSOT SA MGA MATA, NAKAWAWALA NG STRESS!

Donna Thea Topacio/ Gulat ka 'noh?!

SADYANG na­ka­ugalian na ng tao ang pag­kusot sa mga mata lalo na kung lumalabo, na­puwing o nanga­ngati ito, pero bu­kod dito, ayon sa mga eksperto, ang pag­kusot umano sa mga mata ay naka­wawala ng stress at nakabubuti sa tak­bo ng ating pulso? Ows, ‘di nga?

Ang pagkusot sa mga mata ay talaga namang nakapagbibigay ng relief sa pakiramdam lalo na sa mga taong maghapong nakatutok sa cellphone o computer.

Gayunman, ayon sa mga eksperto, nakatutu­long ito upang mawala ang ating stress dahil nai-stimulate ng ating eyeball ang vagus nerve na tumu­tulong upang ma-relax ang ating isip at puso dahil nati-trigger nito ang ating ocolucardiac reflex.

Pero, ang paalala ng mga eksperto na kuku­sutin natin ang ating mga mata, mainam kung hu­wag itong masyadong di­diinan dahil magkakaroon ito ng bad effects sa ating kalusugan.

Samantala, ang pagku­sot sa mga mata ay naka­tutulong din upang mag­karoon tayo ng healthy vision, gayundin kung malala na o pakiramdam n‘yo, eh, lumalabo o nag­da-dry na ang inyong mga mata, mainam kung magpakonsulta na kayo sa mga opthalmolo­gist nang sa gayun ay maka­pagbigay sila ng payo sa inyo kung ano ang dapat ninyong gawin.

Lalo na kung may gra­do na o mayroon kayong stigmatism dahil ang mga ito ay nakaa­apekto rin sa pagsakit ng ulo at pagka­hilo.

Kaya para sa mga lodi natin diyang stress at ma­hilig magkusot ng mga mata, oh, ayan alam n‘yo na!

Basta huwag lang OA para hindi magkaroon ng infection. Okie?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.