top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Bakit kaya, Janella? ELMO, DEDMA SA PAGIGING UMBAGERO

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 31, 2018
1 min read

SA gitna ng pananahimik ni Elmo Magalona sa akusasyon sa kanya ni Janella Salvador ng diumano’y pisikal na pananakit, nag-iwan ng mensahe ang ina ng aktor na si Pia Magalona sa isang netizen.

Noong nakaraang ling­go, isang tagasuporta ni El­mo ang nag-tweet kay Pia at sinabing nag-aalala siya para sa kapakanan ng aktor nga­yong nababatikos ito dahil sa akusasyon ng da­ting ka-love team at rumored girlfriend na si Janella.

Tweet ng netizen: “Tita, how is Moe? I am terribly worried about him with these interviews, bashing, articles... I know he is the victim, not the instigator. Tell him I love him to see him destroyed like this? Thanks Tita.. Tia Rose”

Maikling sagot ni Pia, na tumatayo ring talent man­ager ni Elmo: “Thanks Tita Rose. Don’t worry... [three heart emojis].”

Pero bukod dito, wala nang iba pang tweet si Pia tungkol kay Elmo habang isinusulat ang balitang ito.

Nananatiling aktibo si Pia sa kan­yang Twitter at Insta­gram accounts, pero bukod sa pagsagot niya sa isang netizen, wala na siyang iba pang ko­mento o tweet hinggil sa isyung kinasasang­kutan ni Elmo.

Samantala, sa kanyang latest Ins­ta­gram post nitong Lunes (October 29), magkakahalo ang reaksiyon ng mga netizens.

May nag-uudyok kay Pia na ha­ya­ang magsalita si Elmo hinggil sa akusasyon, samantalang ang ibang fans naman ay nagpahayag ng kani­lang suporta sa binata.

Nananatiling tahimik naman si El­mo sa kanyang social media accounts. Ang huling post niya sa Twitter at Instagram ay noon pang October 10.

October 24 (Miyerkules) nang lu­mabas ang panayam ng batikang en­tertainment writer

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page