Search
  • BULGAR

After layasan ang Siyete… REGINE, TANGGAP NA 'DI NA PANONOORIN NG MGA FANS ANG SHOW NIYA SA DOS

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

NAGLABAS ng open letter si Asia’s Songbird Regine Velasquez nitong Tuesday (October 29) para sa kan­yang mga bashers. Nag-ugat ito sa pagku­kumpara ng mga bashers sa mga shows niya sa Dos at sa mga iniwan niyang palabas sa Siyete.

Panimula ni Songbird, “Dear bashers, I’m truly happy for GMA. Congratulations to everyone in SPS and KMJS. And I’m happy you guys are happy.”

Kasabay din nito ang pagsagot niya sa mga paratang ng mga bashers na nagsasabing hindi siya kailangan ng GMA-7 dahil wala siyang loyalty at walang utang na loob.

Sey niya, “But just a suggestion, tutal sinasabi n’yong lahat na hindi ako kailangan ng GMA, sinabihan n’yo ako na wala akong utang na loob, wala akong loyalty (apparently 20 years cannot be considered being loyal) na mukha akong pera, maybe you guys can stop insulting me my husband and my son.

“Lumipat lang po ako ng network, hindi ako pumatay ng tao.

“Again I’m grateful for my 20 years in GMA I made a lot of friends there and I have great memories being a Kapuso.”

At kahit bina-bash, makikitang pilit pa ring inuunawa ni Regine ang pinanggagali­ngan ng galit ng kanyang mga bashers.

“Tutal naman po, nayurakan n’yo na nang bonggang-bongga ang pakatao ko na para bang may nagawa akong masama sa inyo personally, you guys obviously HATE me, gets ko na po.

“Gets ko rin na hindi n’yo papanoorin ang mga shows na gagawin ko sa ABS, tanggap ko na po ‘yun at wala naman pong pilitan ito.”

Sa huli, tinapos ni Regine ang kan­yang open letter sa pagsasabing, “Nag­ma­mahal, Kapamilya Regine.”

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.