top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

WARRIORS, MALAKAS KONTRA NETS COACH LUE, SINIBAK SA 0-6 KARTA

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 30, 2018
2 min read

BUMANAT si Kevin Durant ng jumper sa nalalabing 1:42 kasunod ng 3 puntos ni Stephen Curry sa papaupos na 40 segundo ng laro kahapon, upang manatiling malakas at matatag ang Golden State Warriors kontra host Brooklyn Nets sa bisa ng 120-114 victory.

Tumapos si Curry ng 35 points habang si Durant ay 34 makaraang dominahin ng Warriors ang laro at makuha ang ikaapat na diretsong tagumpay.

Nasayang naman ang tinabong 25 puntos ni D’Angelo Russell at 23 puntos ni Caris LeVert para sa Nets na nakadalawang talo na.

Matapos ang nagawang hoop ni Durant para bigyan ang Warriors ng kalamangang 110-99 sa nalalabing 5:43 na minuto, sumunod na umiskor ang Nets ng 9 points para lumamang ng 2 at napigilan ang Golden State na umiskor sa sumunod na 4:01. May nailargang 2 basket si LeVert kabilang na ang 3-pointer.

Patuloy na binuhay ni Durant ang Golden State sa kanyang jumper, matapos ang mintis ni Joe Harris sa 3-pointer, si Curry naman ang sumalba sa Warriors sa bisa ng pitong 3-pointers. Bumanat si Durant ng 11 sa nagawa niyang 20 shots.

Dumagdag si Klay Thompson ng 18 points para sa Warriors na kumumpleto ng four-day, three-game trip ngayong araw sa Chicago.

Samantala, sinibak na si Tyronn Lue bilang coach ng Cleveland Cavaliers matapos ang pagkatalo kamakalawa sa Indiana Pacers at lumagpak sa 0-6 kartada, ayon sa multiple reports.

Pumoste si Lue ng 128-83 record noong panahon niya sa Cavaliers, pero nagsimula siyang mag-coach nang wala sa team si LeBron James na lumisan at lumipat sa Los Angeles Lakers bilang free agency.

Ang ibang players ng team ay hinatdan ng mga foot injury habang si star forward Kevin Love ay may sigalot sa opisyal ng koponan sa gitna ng mas pabor si Lue na palaruin ang mga beterano kaysa mas batang talent (MC / ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page