Search
  • BULGAR

Tinanggap lang daw ng aktor… SIGAW NG NETIZEN: ISANG ANAK NI KRISTINE, SA IBANG LALAKI, 'DI KAY

Ador Saluta / ADORE ME!

BUTI na lang at mahinahon pa ring sinagot ni Oyo Sotto ang isang naka­kabastos na comment ng netizen sa kanyang Instagram post kung saan makikitang proud na ipinakita ng aktor ang picture ng mga anak nila ni Kristine Hermosa na sina Kiel at Ondrea na sumali sa motocross race.

Isang @angprobinsyananghilaw ang nag-comment sa picture, “So proud of you @osotto kahit na anak si Kiel sa ibang lalaki ni Kristine, tinuring mo pa rin siyang own flesh and blood mo. Bihira sa ibang lalaki ang ganito.”

Agad din namang nabura ang naturang komento pero nasagot pa ito ni Oyo by saying… “Hindi siya anak sa ibang lalaki. Kiel is our adopted son.”

Siguro ay napahiya rin ang netizen sa kanyang katak­lesahan kaya binura na ang comment niya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.