• Nitz Miralles

Payag kayo, Kapuso? JANINE, IPINU-PUSH MAGING VALENTINA SA DARNA NI LIZA

NATUWA ang mga fans nina Liza Soberano at Janine Gu­tier­rez sa nabasang sagot ng Kapamilya actress na… “I’m really open to working with anyone. One person I’m obsessed with is Janine Gutierrez,” sa tanong sa kanya ng follower sa Twitter kung sino ang gusto niyang maka­trabaho from rival network.

Sumagot naman si Janine ng, “Nooo, I’m obsessed!!! It’d be the dream to work with you.”

Dahil sa comment na ito ni Janine kay Liza, ma­rami sa mga followers nila ang nagwi-wish na matupad ang pangarap ng dalawang aktres. May nag-suggest pa nga na puwedeng si Janine ang gumanap na Valentina kapag natuloy na ang Darna movie ni Liza sa Star Cinema.

Kaya lang, kontrabida role ‘yun at lead actress ang packaging ni Janine, so, paano? Pero malay din natin lalo at sa TV lang ang kontrata ni Janine sa GMA-7? Ang manager niyang si Leo Dominguez ang tuma­tang­gap ng movie offer para sa aktres.

Anyway, ginawa ni Janine sa Regal Entertainment ang pelikulang Elise katambal si Enchong Dee. Sabi ni Direk Joey Reyes, ang nasabing peli­kula ay “different yet particularly funny, touching, poig­nant film about a love that defies time and memories.” Mula ito sa direction ni Joel Ferrer na siya ring script­writer.

Samantala, naintriga ang nakabasa sa tweet ni Janine pa­tungkol sa Victor Magtang­gol na... “GETTING A BIT EMO bec I just finished reading the latest script and there are so many revelations!!! And I’m thinking, ito na ‘yung mga matagal na hinihintay. Super exciting! Don’t miss any episode!!”

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.