Search
  • BULGAR

Kung dati bashers lang … REGINE, INAAYAWAN NA NG FANS DAHIL SA PAGTAKSIL SA SIYETE

Erlinda Rapadas / TEKA NGA

HINDI na nga kinakaya ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ang below the belt at masyadong personal na banat sa kanya ng mga bashers simula nang lumipat siya sa ABS-CBN.

Bukod dito, may mga dati ring fans niya ang nagsabi na hindi nila nagustuhan ang ginawang pagtalon ni Songbird sa bakuran ng Dos. Sa tinagal-tagal daw ni Regine sa GMA-7 (20 years) ay bakit nakaisip pang iwanan ang Kapuso Network?

Ang mga bashers, nilalait ang kanyang katabaan at pati na ang boses niyang hindi na puwedeng bumirit nang husto. Pati edad ng Asia’s Songbird ay pinapan­sin ng mga bashers.

Kaya, nagdesisyon na si Regine na kasuhan ang mga bashers na patuloy na nambu-bully sa kanya. Seryoso ang Asia’s Songbird sa gagawin niyang pagrereklamo laban sa mga bashers. Pinanghahawakan niya ang anti-cyber bullying na puwedeng ikaso sa mga ito.

Maging si Ogie Alcasid ay damay din sa galit ng mga bashers ni Regine. Si Ogie raw kasi ang kumumbinse kay Regine na lumipat na sa ABS-CBN at iwanan ang GMA Network.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.