Search
  • BULGAR

Babae, 'di nakapagpigil, kumanta… GINAWA NI ECHO SA WAITRESS SA MALL, KUMALAT!

Len Ramos Llanes / ISKUP

KUWENTONG Jericho Rosales.

By nature, mabait talaga ang Bikolanong ito. Ever since he began his career as an actor, kilalang-kilala na siya sa Marikina. He himself told his story as a fish vendor once upon a time in Concepcion.

Siya mismo ang nagsabi sa amin, “Pu­wede mo akong i-contest sa pabilisan ng pagkaliskis ng isda.”

And he doesn’t mince words when he told his stories tungkol sa pinagda­anan nilang hirap na mag-ina. Kung saan may trabaho ang nanay niya, ru’n sila.

Bakit naalala namin ang past story na ito ni Echo? Kasi may kuwento ‘yung isang girl na nagtatrabaho sa pizza parlor sa mall na inilagay nito sa Facebook more recently.

Aniya, napadaan si Echo sa place ng work niya. Nu’ng makita niya ito, nagla­kas-loob siyang sabihin dito na, “Jericho, puwede magpa-picture?”

Sagot daw ni Echo, “Wait, ate, may hina­ha­nap lang ako na store.”

Sa loob-loob niya raw, habang nakasi­mangot siya, masungit si Echo.

Laking-gulat niya raw dahil after 30 minutes, bumalik si Echo at kinausap na siya. Sabi raw nito, “Tara na, ate, picture na tayo.”

Nabigla raw siya at sa loob-loob niya, mabait pala ang aktor dahil binalikan pa talaga siya.

See how Echo can easily win the heart of a stranger?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.