Search
  • BULGAR

Asia's Songbird, shocked! IBINUKING NI VICE: REGINE, NASA KAPAMILYA NA, I.D., MAY PUSO PA RIN

Julie Bonifacio / WINNER!

SPEAKING of Vice Ganda, inabot pala ng tatlong oras ang interbyu niya sa ba­gong lipat o balik-network na “ibon” na si Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Napanood namin ang unang bahagi ng guesting ni Regine sa show ni Vice at noon pa man ay self-confessed ‘Reginian’ na talaga ang komedyante/host.

Halos ‘di makilala si Vice sa hitsura niya nu’ng kumanta sila ng kapwa niya comedy bar host na si Anton Diva kasama si Regine. Parehong ginagaya nina Vice at Anton sa pagkanta ang kanilang Ate Regine noon.

Nalokah naman si Regine nu’ng mag-punchline si Vice sa bagong access ID niya sa ABS-CBN. Sabi ni Vice, nasa Kapamilya Network na nga siya, pero sa ID niya, may pa-puso sign pa rin.

“Yan lang ‘yung picture na meron ako, papa-pictorial muna ako,” paliwanag ni Regine.

Aliw much naman kami sa portion kung saan ipinakanta ni Vice kay Regine ang theme song ng ilang shows sa Dos kabilang na ang Maalaala Mo Kaya. Doon ni-recall ni Regine na minsan na niyang kinanta ang theme song ng programa ni Charo Santos nu’ng mag-guest siya sa isang episode kasama si Piolo Pascual.

In fairness, napakaganda ng pagkakaawit ni Regine ng MMK theme song, huh? Huwag nang magtaka if one of these days, boses na ni Regine ang marinig nating kumakanta ng theme song ng longest and top rating drama anthology on TV.

Winner!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.