Search
  • BULGAR

Wa' paki kahit nandu'n sina Sharon at Goma…KATHRYN, SHOCKED SA GINAWA SA KANYA NI DANIEL SA

Rohn Romulo / RUN WILD!

NAG-POST na naman si Sharon Cuneta ng nakakakilig na behind the scene photos ng Three Words to Forever na balik-tambalan nila ni Richard Gomez at kasama pa si Kathryn Bernardo.

In fairness, perfect talaga ang tatlo na gumanap na isang pamilya, na for sure, excited na ang lahat na mapanood ang pinaka­bagong obra ng box office director na si Cathy Garcia-Molina.

Nandoon pa rin ang chemistry nina Sharon at Richard, at ang maganda, kitang-kita ang kanilang closeness at hindi talaga nagkakailangan sa mga eksena. Kaya naman, okay lang maging touchy sila sa isa’t isa lalo na ‘yung paghahawak-kamay nila, nakakakilig talaga to the max.

At muling nakasakay ng kabayo si Sharon, ha? Pang-ilang movies na nga ba na nangangabayo siya?

Ang tanong, hindi kaya masita uli si Sharon ni Direk Cathy sa pagpo-post ng mga photos tungkol sa kanilang pelikula?

Anyway, nag-surprise visit si Daniel Padilla sa shooting nina Sharon, Richard at Kath­ryn sa Ormoc City. Hindi raw ini-expect ni Kath na gagawin ‘yun ng boyfriend dahil puwede naman itong maghintay na mag-shooting sila sa Manila, pero sumugod at nag-effort talaga si Daniel para makita si Kathryn, kahit na kagagaling pa lang nito sa Sydney, Australia.

Sobrang sweet talaga ni Daniel, sa totoo lang, na sobra ang pagsuporta sa Three Words to Forever na inaasahang magki-create rin ng box office records.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.