Search
  • BULGAR

Tinabla raw silang lahat dahil kay Ellen… RICO KAY JOHN LLOYD: 'WAG MO NAMANG BITAWAN ANG MGA KA

Julie Bonifacio / WINNER!

SPOTTED again ang aktor na si John Lloyd Cruz sa isang event kamakailan. Tila nadadalas na uli ang “pag­papakita” ng aktor sa publiko. Senyales na kaya ‘to na babalik na siya sa showbiz?

Sa presscon ng nalalapit na concert ng music icon na si Rico J. Puno titled Music and Laughter: Sana Tatlo ang Puso Ko kamakailan ay kinumusta namin sa kanya si Lloydie.

Magkasama sila sa Home Sweetie Home noon. Pero nu’ng mawala si Lloydie sa show, wala na ring balita si Rico tungkol sa kanyang ‘anak’ on the said sitcom.

“Wala na siyang communication kahit kanino sa show namin. May texting group kasi kami. We tried texting him kung kumusta na ba siya, kung kelan siya babalik sa show namin. Wala siyang response sa akin or kay Direk Bobot (Edgar Mortiz). In fact, kahit sa ibang may kinalaman sa show, wala nang kinakausap si John Lloyd,” lahad ni Rico.

Sang-ayon si Rico kung mas pinili ni Lloydie ang simpleng buhay ngayon. Hindi rin naman daw niya masisisi ang aktor dahil ilang taon ding sumikat hanggang sa na-burnout na.

“Dumarating sa isang artista ‘yung mabe-burnout ka. Naranasan ko na rin noon ang ganyan. Sometimes you need a break din. Saka may sariling pamilya na siya, may anak na sila ni Ellen Adarna. So, siguro nga, masaya na siya sa ganu’ng buhay, ‘yung tahimik at wala nang nanggugulo sa kanila,” say pa niya.

Wish lang ni Rico na ‘wag bitiwan ni Lloydie ang mga kaibigan nito.

“Kaming mga naging kaibigan niya, lalo na ako, kasi naging very close ako sa kanya, hindi niya sana kami binibitawan. Nandito naman kami para suportahan siya sa gusto niyang mangyari sa buhay niya. We’re not here to judge him for his actions kasi mga kaibigan niya kami. Kung ano ang nangyayari kay John Lloyd ngayon, we only wish him happiness,” diin pa ni Rico.

Anyway, sa Nov. 23 ang concert ni Rico sa Theater at Solaire Resort and Casino kasama sina Marissa Sanchez, Giselle Sanchez at ang anak niyang si Tosca Puno.

Asahan na raw na magiging masaya ang concert with matching naughtiness from him.

“Sa awa naman ng Diyos, wala namang nagre­reklamo sa akin, lalo na kapag may mga guests akong sexy tulad nga nitong sina Giselle at Ma­rissa. Ilang beses ko na silang naka­sama sa iba’t ibang shows at nasanay na sila sa mga green jokes ko. Alam naman nila na it’s all for the show, for entertainment lang. I respect women and both Giselle and Marissa can say na never akong naging aggressive or naging abusive sa kanila.”

‘Yun na.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.