• Pabs Hernandez III

Opisyal ng NPA nasakote

NEGROS OCCIDENTAL—Isang opisyal ng New People’s Army (NPA) ang nadakip ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. 9, Kabankalan City sa lalawigang ito.

Nakilala ang suspek na si Mary Grace Deliciano, opisyal ng NPA na nakabase sa Negros Island.

Nabatid na may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad sa kinaroroonan ni Deliciano kaya agad nagtungo ang tropa ng pamahalaan at dinakip ang suspek.

Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ng mga awtoridad si Deliciano.

0 views0 comments
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.