Korona, ipapasa na? PIA, WILLING I-TRAIN SI SANYA LOPEZ SA PAGIGING BEAUTY QUEEN
- BULGAR

- Oct 29, 2018
- 1 min read

MAY plano rin palang sumali sa beauty pageant si Sanya Lopez. Isa ito sa kanyang mga pinangarap bago pa siya nag-artista at pumasok sa showbiz. At sobra siyang natuwa nang mabasa ang post ni Ms. Universe 2015 Pia Wurtzbach na willing itong tulungan at i-train siya sakaling mag-decide nga siyang mag-join sa anumang beauty pageant.
But for now, hindi muna ito ang magiging prayoridad ni Sanya dahil marami pa siyang showbiz commitments. Pagkatapos ng matagumpay na movie nila ni Derrick Monasterio under Regal Films, ang Wild & Free, isang malaking serye sa GMA Network ang ipinagkatiwala sa kanya.
Sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo ang kanyang leading men sa Cain at Abel. May isa pang pelikula na nakalinya na naghihintay na lang ng kanyang availability.
Well, kailangang mamili ni Sanya kung career o pagiging beauty queen ang gugustuhin niya. Sayang naman ang maganda niyang career kung tatalikuran niya kapalit ng korona bilang beauty queen.





Comments