Search
  • BULGAR

BLAZE SPIKERS, PINALAKAS PA


FULL force ika nga ang Petron para madepensahan ang korona sa Philippine Superliga All-Filipino Conference simula bukas, Mar­tes sa Filoil Flying V Centre.

Pinalakas ng beteranang si Ging Balse, Frances Molina, heavyweight nang maituturing ang Blaze Spikers sa club league. Si Balse, na miyembro ng national squad na nakasungkit ng bronze medal noong 23rd Southeast Asian Games noong 2005 ay naglaro sa Blaze Spikers upang maka­sama ang dating University of Santo Tomas teammates na sina Rhea Dimaculangan at Aiza Maizo-Pontillas.

Malakas na uli ngayon si Molina matapos dumanas ng stress fracture injury dahilan para mag-withdraw sa national squad noong 18th Asian Games at AVC Asian Women’s Cup ng nakaraang buwan.

Pangungunahan ng mga star-studded ng Petron na napili pa para sa 10 finalists sa Best Women’s Sports Event category award ng SPIA Asia ay sina Mika Reyes, Jasmine Alcayde, Buding Duremdes, Remy Palma, Pia Gaiser, Chloe Cortez, Angel Legacion at Carmela Tunay.

Aaksiyon din sina high-leaping Sisi Rondina at Bernadeth Pons upang makadagdag tingkad sa laro ng Blaze Spikers. “I’m back and hopefully I can maintain my health,” ayon kay Molina, dating San Beda University star na namuno sa squad nang wasakin ang F2 Logistics sa dramatikong best-of-three finals showdown noong 2017. “We’re the defending champion, so there’s really pressure going into this tournament. But we’re confident that we had a good preparation in the off-season and we’re ready to go.”

Sa limang titulo nilang hawak kabilang na ang pag­walis sa All-Filipino noong 2015, ang Petron pa rin ang most decorated squad ng liga. Nagpatuloy ang suwerte ng Blaze Spikers ngayong taon. Naghari sila sa Grand Prix nang pamunuan nina Lindsay Stalzer at Katherine Bell bilang imports ng laro bago pa man bumida sina Rondina at Pons sa Beach Volleyball Challenge Cup title, luma­bas ang espeku­lasyon na pakay ng Blaze Spikers ang bihirang Gram Slam.

Ang malas lamang, na­talo ang Petron sa karibal na F2 Logistics sa action-packed finals encounter sa Invitational Conference. “Defending our crown will never be easy as all teams have prepared for this conference,” ayon kay Ian Fernandez, ang chief deputy ni head coach Shaq Delos San­­tos. “We just have to go there and do our best in every game.” (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.