Search
  • BULGAR

WELL-OILED FIGHTING SPIRIT NG FOTON TORNADOES, HANDA SA PSL


BAGONG bihis na Foton Tornadoes squad ang makikita sa Philippine Superliga All-Filipino Conference na magsisimula sa Martes sa Filoil Flying V Centre.

Ayon kay Rookie coach Aaron Velez, ipaparada niya ang ‘well-oiled fighting unit’ sa prestihiyosong women’s club tourney. Ang kawalan nina star players Jaja Santiago at Dindin Manabat ay isang magandang oportunidad para kina Maika Ortiz, Shaya Adorador, CJ Rosario, Mina Aganon, Bea De Leon at bagong recruit na si Arianne Layug upang kuminang ang galing at patunayan ang husay nila. Ibabalandra rin ng team sina Iumi Yongco, Gyselle Sy, Carla Sandoval, Gen Casugod, Rainne Fabay, Ivy Perez, Jen Reyes at Kathleen Barrinuevo. “Their absence will give other players a chance to step up,” ani Velez patungkol sa Santiago sisters na aaksiyon sa V. Premier League ng Japan sa Nobyembre. “With Jaja and Dindin out, we will have a new look in the All-Filipino. We will not be relying on one or two players alone as other players are expected to step up and contribute.” Isa ang Foton na itinanghal bilang 10 finalists sa Best Women Sports Event category sa SPIA Asia Awards na gagawin sa Nobyembre.

Matapos ang malakas na laro sa liga at magkampeon sa Grand Prix noong 2015 at 2016, nalagay sa bronze medal finish ang team ng Tornadoes sa import-flavored conference nitong taon. Pero napunta ang Foton sa seventh place sa Invitationals dahilan para mapalitan ang head coach sa torneo. Inamin ni Velez na may ilang tensiyon sa kanyang parte. “ I’m ready to deal with it. I embrace the challenge and we’re ready to compete.” (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.