Para sa lahat ng guro at empleyado ng DepEd | P3,000 BONUS, APRUB
- Alvin Murcia
- Oct 28, 2018
- 1 min read

LAHAT ng mga guro at empleyado ng Department of Education (DepEd) ay tatanggap ng P3,000 bonus bilang bahagi ng selebrasyon ng anibersaryo ng kagawaran sa Disyembre.
Ito ang inihayag ni DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones noong Oktubre 5 sa selebrasyon ng World Teachers’ Day na ginanap sa Ormoc City. Ito ay sinang-ayunan sa pagpupulong ng Department’s Executive Committee at ng Alliance of Concerned Teachers (ACT)-Philippines na ginanap sa SEAMEO INNOTECH, Quezon City noong October 26.
“We’re already working on it, and preparing for it. Before December, we’ll make sure that it is already downloaded and available on or before DepEd’s anniversary,” ayon kay Undersecretary for Finance-Budget and Performance Monitoring Annalyn Sevilla.
Siniguro rin ng DepEd sa mga guro na binabalangkas na nila ang guidelines ng DepEd Order No. 16, s. 2018 na may titulong, “Implementing Guidelines on the Release and Use of Funds for Fiscal Year 2018”.
Magkakaroon din ng dagdag sa chalk allowance ang mga guro at makikipag-ugnayan din ang kagawaran sa Department of Budget and Management (DBM) at Civil Service Commission (CSC) para sa pagbuo ng non-teaching positions na hahawak sa tinaguriang ‘ancillary tasks’ bilang tugon sa rami ng trabaho ng mga guro.
Komentar