Search
  • BULGAR

Kahit magmukha ka pa raw ermitanyo, kuya! PAGPAPAHABA NG BALBAS, KERING MAKATANGGAL NG IBA’T IBANG S

Donna Thea Topacio/ Gulat ka 'noh?!

BALBAS-sarado ka ba, tsong! Good ‘yan dahil knows ba ninyong ang pagkakaroon ng balbas ay maraming health be­nefits? Weh, ‘di nga?

Madalas talagang ma­kantiyawan ang mga ta­ong may balbas dahil may ilang nagsasabi na ma­rungis at pangit daw itong tingnan. Pero, ga­yunman marumi man ito sa kanilang paningin ay marami naman itong na­idudulot na maganda sa ating katawan.

Sa katunayan, ayon sa ThoughtCatalog.com, ang pagse-shave umano ng balbas ay nakapag­du­dulot ng acne, kaya kung hindi mo ito ka­dalasang ginagawa, eh, ma­laki ang tsansang mag­karoon ka ng maganda at makinis na balat, gayun­din dahil pinopro­tekta­han nito ang pagtama ng UV rays sa inyong mukha ligtas ka naman sa pag­kasunog ng iyong balat.

Samantala, ang mga taong mayroong balbas ay hindi rin gaanong nag­kakaroon ng wrinkles, kaya dehins na ninyo ka­ilangang mag-worry kung feeling n‘yo, eh, tuma­tanda na kayo.

Sa usapang oral health naman, ang balbas ay na­katutulong upang ma-les­sen ang posibilidad ng pagkakaroon ng gum di­sease at nakape-prevent ito sa pagkakaroon ng bac­terial infections lalo na kung itinuturing itong bu­hay at inaalagaan.

Kaya para sa mga lodi natin diyan na may ma­kapal na balbas, oks lang na mapagkamalang si Santa Claus, basta healthy na­man ang kalusugan, ‘di ba? Ho-ho-ho!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.