Search
  • Nitz Miralles

'Di na din natiis, limpak-limpak na stress kasi ang aabutin… AKTRES, TAONG BATO ANG TAWAG SA SUP

BLIND ITEM:

Masasaktan nang husto ang aktor na ito ‘pag nalamang “taong bato” ang tawag sa kanya ng isang aktres na makakapareha sana niya sa isang pelikula. Dagdag pa nito, hindi marunong umarte ang aktor, kaya ayaw sana niyang makapareha sa pelikula.

Walang nagawa ang aktres dahil ang kanilang producer ang nag-decide na silang dalawa ang magkatambal sa susunod niyang pelikula. Kaya, inihanda na lang niya ang sarili na ang aktor na hindi marunong umarte ang makakasama niya.

Laking tuwa siguro ng aktres nang malamang pinalitan ang aktor ng ibang aktor para maging leading man niya sa bagong pelikula. Marunong umarte ang aktor na ipinalit sa unang aktor na napili ng production, kaya kampante ang aktres na mapapadali ang kanilang shooting.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.