Calling all driver na sweet lover, it’s your time to shine!

HELLO, Bulgarians! Sabi nga, basta driver sweet lover, tatlong taon ng naghahanap ng mga magigiting na driver ang Pinoy Tsuperhero (PTH) at ngayong ikaapat na taon ay muling maghahanap ng panibagong tagapagtanggol at tsuperhero sa kalsada!
Ilan sa mga hinahanap sa driver ay ang pagiging responsable, matapat at pagiging environment friendly na magiging miyembro sa organisasyon kung saan ang tanging misyon ay magbigay ng magagandang halimbawa hindi lang sa kanilang mga pasahero kundi sa buong Pilipinas.
Kaya maraming aspiring driver ang gustong tanghaling Pinoy Tsuperhero na umabot na sa 56,385 entries sa loob ng tatlong taon!
Nagsimula ang Pinoy Tsuperhero sa pakikipagtulungan ng Phoenix Petroleum, ABS-CBN Lingkod Kapamilya, ABS-CBN Regional and Bayan Academy. Sa pagpili ng ikaapat na Pinoy Tsuperhero ay may tatlo silang pagdaraanan, ito ay ang appreciation o nominasyon, special screening sa sampung napiling Phoenix gas station sites, nationwide. Ang ikalawa ay recognition o pipiliin ang Top 30 drivers na kapwa makatatanggap ng P15,000, exclusive members ng Phoenix Tsuper Club T.R.I.P o Tsuperhero Advantage, Rewards, Insurance at Privileges Program.
Bukod pa rito, nagbibigay din ang Pinoy Tsuperhero ng 5-day training tungkol sa pagiging responsable sa kalsada at environment. Ituturo rin dito ang tamang paggamit ng premyo kung sila man ang manalo at tanghaling Pinoy Tsuperhero.
At mula sa 30 ay pipiliin ang 10 drivers na makatatanggap ng P30,000 each, P15,000 worth of fuel and lubes product at P250,000 worth of Family Accident Insurance for 1 year! At para sa ikaapat na tatanghaling Pinoy Tsuperhero, mag-uuwi siya ng P100,000 cash prize, P50,000 worth of fuel and lubes product, P1 million worth of Family Accident Insurance for 1 year, brand new vehicle at magiging brand ambassador ng Phoenix Petroleum! Hindi lang ‘yan, makatatanggap din ang kanilang transport organization ng P100,000 para sa kanilang mga proyekto.
Para sa iba pang katanungan at kung paano sumali, maaaring bisitahin ang kanilang Facebook Page sa https://www.facebook.com/PinoyTsuperHero/
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments