Search
  • Green Lantern

BRILLIANCE SA SAMPAGUITA RACE

PASISIBATIN ang 2018 PHILRACOM Sampa­guita Stakes Race ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite, may distansyang 1,750 meter race at limang dekalibreng kabayong pangkarera ang mag-uunahan sa meta upang masilo ang tumatagin­ting na P1.2M na premyo.

Mga tropang karerista dito ko na umpisahan ang tips ko sa nasabing derby na ilalarga sa Race 4, si Brilliance, (4) ang napupusuan ko dito habang si Heiress of Hope, (2) ang pamorkas.

May 11 kabayo ang pagpipilian sa Race 1 na kukunin ko para sa Winner-Take-All ko sina Tequila Princess, (10), Miss Marshall, (9) at Electric Dreams, (2) habang sa Race 2 ay sina The Barrister, (6) at Eugene, (2).

Kursunada ko sa Race 3 sina Sunny Side, (4), Rocking Hill, (3) at Gymnast, (1). Paninggel ko si Silver Glow, (5) sa Race 5, magandang pamorkas si Indian Warrior, (3).

Isa pang mahirap na karera ang Race 6 kaya tatlo ang kukunin ko ito’y sina Hello Junior, (11), Baisakhi, (8) at Momentum, (6). Nakalalamang si Humble Submission, (12) sa Race 7 magbibigay ng magandang laban sina Persian Princess, (5), Rocking Star, (9) at My Big Osh, (11).

Garantisado, (3) tayo sa Race 8, samahan natin ng Mitchell Park, (5) at Sorsogon Bay, (7). Sa Race 9 si Rosario Princess, (5) ang pili natin, napahirapan lang ito ng nakaraan, malaki rin ang tsansa nina Chi Nita, (2) at You Are My Hero, (7).

Dito sa Race 10 lalagay ako kay Show BLVD, (8) at Wild Speed, (1). Matibay sa unahan itong si Extravagant Woman, (2) sa Race 11, pamorkas na lang natin si Mabalor, (1).

Sa last Race, Bukod kay Oiasis, (7), isama natin sa pagpipilian sina Burias island, (4) at Taal Volacano, (2).

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.