Search
  • ROMA AMOR

Feeling stressed dahil dehins knows kung paano sasabihin sa GF na may nakilalang babae at nakipagtal


Dear Roma,

Ako si Ron at ang girlfriend ko naman ay si Kaye. Apat na taon na kaming magkarelasyon at gusto ko sanang humingi ng payo sa iyo tungkol sa pagkakama­ling nagawa ko. Ganito ‘yun, habang busy si Kaye sa pag-aaral niya dahil graduating siya ay may naka-chat akong babae na ang pangalan ay Ana. Aaminin ko, nag-e-enjoy akong kausap siya dahil halos pareho kami ng mga hilig. Napagkasunduan naming magkita at may nangyari sa amin. Alam kong mali ito at alam kong masasaktan si Kaye kapag nalaman niya ito. Hindi na kami nag-usap pa ni Ana mula nang mangyari ‘yun. Mahal na mahal ko si Kaye, Roma. Ano sa tingin mo ang dapat kong gawin? — Ron

Ron,

Naku, Ron, hindi madali ‘yang sitwasyon mo. Talagang masasaktan ang girlfriend mo dahil maiisip niya na hindi mo na siya mahal at hindi pa siya sapat para sa iyo. Pero, dahil nagawa mo na ‘yan, mabuti pang aminin mo na sa kanya ito bago pa niya malaman ‘yan sa ibang tao. Asahan mong magagalit at masasaktan siya, pero wala kang ibang magagawa kundi hingin ang kapatawaran niya. Kung mabigla man siya, huwag mong sabayan, hayaan mo siyang ilabas ang galit niya at kapag kalmado na siya ay saka mo sabihin sa kanya ang mga gusto mong sabihin. Huwag kang mapapagod humingi ng tawad at ipakita sa kanya na nagsisisi ka sa mga nagawa mo. Good luck!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.