50 estudyante, umuwing may ngiti sa kanilang mga labi!

HELLO, Bulgarians! Edukasyon ang tanging maipamamana ng mga magulang sa kanilang mga anak at ito rin ang maipamamahagi ng Colgate Philippines para sa mga estudyanteng nais makapagtapos ng pag-aaral.
Kaya ang Colgate Philippines ay nagbigay ng P5 milyon worth of scholarship money sa mga estudyante sa buong bansa sa kanilang programang Colgate Scholarship Promo 2018 na makapagbibigay din ng ngiti sa mga estudyante saanmang sulok ng Pilipinas.
Mula sa 174,000 entries noong May hanggang July 2018, 50 estudyante ang mapalad na mabibigyan ng Colgate Philippines ng P100, 000 each! Ang ilan sa mga napili at mabibigyan ng scholarship ay sina Noria, 15 years old, nakatira sa Bulacan; Amari, nakatira sa Cagayan; Julianna, naninirahan sa Binangonan, Rizal; Jojo Calapuan, nakatira sa Cebu City at Sidney Lanete, naninirahan sa Davao City.
Bukod pa rito, namahagi rin ng P500 National Bookstore gift certificates sa 500 winners at P15 prepaid load sa 5,000 winners!
Hindi lang ‘yan, nagtipun-tipon ang lahat sa awarding ng kanilang scholarship money sa Mind Museum sa Bonifacio Global City kaya umuwi silang may pang-aral na at may ngiti pa sa kanilang mga labi.
Para sa iba pang detalye at kung gustong makita ang full list verified winners ay maaaring bisitahin ang kanilang Facebook Page.
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments