Search
  • Pabs Hernandez III

Rider tepok sa semplang

PANGASINAN—Isang rider ang namatay nang sumemplang ang minamaneho nitong motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Macayog, San Jacinto sa lalawigang ito.

Nakilala ang biktima na si Bernardo Nuñez, residente ng Maambal, Pozorrubio, sa nasabing lalawigan.

Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol si Nuñez sa pagmamaneho kaya sumemplang ang motorsiklo nito na naging dahilan upang mabagok ang ulo nito sa sementadong kalsada.

Dinala pa ng mga saksi si Nuñez sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.