Search
  • BULGAR

P20 dagdag-sahod, aprub sa mga boss

"HANGGANG saan aabot ang P20 mo?”

Sa pangalawang consultation meeting ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board, nagkasundo ang grupo ng employers na sapat na ang P20 na dagdag-suweldo sa mga minimum wage earner sa Metro Manila.

Kapansin-pansin na napakababa sa inihihirit ng mga manggagawa na P344.

Sa pahayag ng Employers Confederation of the Philippines, kapag itinaas pa sa P20 ang dagdag-sahod, mahaharap sila sa malaking problema tulad ng pagtaas ng presyo ng kanilang produkto o pagsasara ng kanilang negosyo.

Kapag ganyan ang katuwiran, malalagay din sa alanganin ang mga manggagawa at kanilang pamilya.

Halos hindi maawat ang taas-presyo ng mga bilihin at serbisyo, paano pa kung tuluyan nang mawawalan ng trabaho? Nganga!

Kung mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay aminadong wala talagang magawa sa taas-presyo, paano pa ang publiko?

Siguro, galingan na lang muna sa diskarte sa pagtitipid at paggastos.

Suriing mabuti ang gusto sa kailangan.

At sa mga medyo nakaluluwag pa riyan, napakalaking bagay na tayo ay mayroong matulungan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.