Search
  • BULGAR

Ngayong may anak na at babu sa showbiz… MADLANG PIPOL, WA' NANG PAKI KINA JOHN LLOYD AT ELLEN

Erlinda Rapadas / TEKA NGA

MATAPOS ipanganak ni Ellen Adarna ang una nilang baby ni John Lloyd Cruz, hanggang sa mabinyagan na nga ang bata, hindi na gaanong nagkainteres ang mga netizens sa mga kaganapan sa buhay ni JLC.

Kung dati-rati ay napakainit ng mga balita sa pagtalikod niya sa showbiz at sa pakikipagrelasyon sa sexy star na si Ellen hanggang sa ito ay magbuntis at manganak, ngayon, back to normal na ang lahat.

Hindi na big deal kung nakikita man si Lloydie na sumasakay ng jeep at bumibili ng street food. Hindi na gaanong interesting sa publiko ang ganitong kaganapan sa buhay ngayon ni John Lloyd.

Ang magki-create lang siguro ng pani­bagong ingay sa social media ay kung iba­balita na nila ang kanilang pagpapaka­sal ni Ellen o ang muling pagbabalik ni JLC sa showbiz.

‘Yun lang ‘yun!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.