Search
  • BULGAR

Miguel, naiwan sa ere… BIANCA AT RURU, NAGPALAGAY NG PAREHONG TATTOO

Len Ramos Llanes / ISKUP

WHAT happened to the Miguel Tanfelix-Bianca Umali tandem? Dati, follow­ers kami ng dalawang kabataang ito who grew up together in Ismol Fam­ily kung saan mainstay sila noon.

Dito naging close ang dalawa at pati mga pamilya nila ay naging ma­lapit sa isa’t isa.

But, people grow nga naman. Na­alala tuloy namin ang kantang Sunrise Sunset which goes like this, “Is this the little girl I carried? Is this the little boy at play…”

Now, fully grown-up, biglang nawala si Miguel.

Bali-balita namang patuloy ang pausbong na relasyon sa pagitan nina Bianca at Ruru Madrid. Namataang magkasama ang dalawa sa isang resto bar sa Nagoya, Japan noong Lunes (Oct. 22). Tila iniwasan nina Ruru at Bianca na makunan silang magkasama sa picture, ngunit kapansin-pansing pareho silang may litrato kasama ang isang ‘di kilalang babae roon.

Hindi malinaw kung personal trip o may halong trabaho ang pagpunta ng dalawang Kapuso stars sa Japan. Nakunan din kasi ng hiwalay na video sina Ruru at Bianca kung saan makikitang nag-perform sila ng kanta sa parehong resto bar sa Nagoya, Japan.

Pero nang kumalat sa social media ang Japan photos nina Ruru at Bianca, may ilang netizens ang kinilig at binansagan pa itong “first out of the country trip” ng rumored couple.

Nu’ng Oct. 19, namataan din ang da­la­wa sa isang tattoo shop kung saan tila nag­palagay daw ang mga ito ng matching tattoos.

Base pa rin sa Twitter posts ni @ruca­2love, nagpalagay si Bianca ng rose stencil tattoo sa kanyang left forearm malapit sa wrist, habang si Ruru ay tila hugis rosas din ang ipinalagay na tattoo sa bandang kanan at tagiliran ng kanyang katawan.

Wala lang. Nanghihinayang lang kami sa pinagdaanan nina Miguel at Bianca, ang kanilang sweet childhood. Kaya lang, you can’t also blame Ruru for falling for such a beauty like Bianca.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.