Search
  • BULGAR

Kukunin bang ninang sa anak nila ni Dingdong… SIGAW NI MARIAN: 'DI KAMI CLOSE NI VICE!

Janice DS Navida / SHOWBIZ SPECIAL

NASA second trimester na ng pagbubuntis ang GMA-7 Primetime Queen na si Marian Rivera pero tuloy ang mga showbiz commitments niya.

Last Tuesday (Oct. 23) nga, pormal na siyang ipina­ki­lala bilang unang endorser ng bagong produkto ng Beautederm na pag-aari ni Rhea Anicoche Tan, ang Reverie Beautederm Home na binubuo ng scented candles and room spray na gawa sa pure soybean oil at all natural ingredients kaya safe sa pagbubuntis ni Yan (palayaw ni Marian).

Si Marian mismo ang nagsabing hindi naman masya­dong maselan ang pagbubuntis niya kaya keri pa nga niyang mag-high heels kahit sinasabi ng iba na bawal sa buntis.

Punumpuno rin ng energy at super-saya ni Marian dahil nga may isa na namang tulad ni Ms. Rhea ang nagti­wala sa kanya para kuning endorser.

Ayaw pang sabihin ni Marian kung kelan siya exactly manganganak, pero ang paliwanag niya when asked kung bakit hindi agad nila isinapubliko ang pagbubuntis niya, “Actually, may kasabihan kasi ‘di ba, na hangga’t ‘di pa nabubuo ang bata, bawal pang sabihin?

“Siyempre, ang hirap din naman sa akin sa sobrang excited ko na itago siya, pero ganu’n talaga ang dapat na proseso, eh. So, nakaplano naman siya, ipinagdasal namin, at biniyayaan naman kami.”

Inamin din ni Marian na kahit buntis na siya, may cameo role o guesting siya sa MMFF movie ni Vice Ganda under Star Cinema at ipinaalam naman daw niya ‘yun sa mga bossing ng GMA-7 at sa Triple A Management na humaha­wak sa career niya.

Of course, dahil kay Dingdong Dantes na isa sa dalawang leading men ni Vice sa movie (si Richard Gutierrez ang isa pa) kaya napa­payag si Marian na mag-guest.

Nu’ng tanungin namin kung kukunin ba niyang ‘ninang’ ng second baby nila ni Dong si Vice para maging mag-kumare na sila, nagpakatotoo naman si Marian na kailangan muna nilang magkatrabaho at maging close ng Unkabogable Star.

“‘Di ba kailangan, ‘pag may inaanak ka o ‘yung anak mo, dapat super duper close du’n kasi magiging panga­lawang magulang sila. Siguro, darating sa tamang pa­nahon kung magkakatrabaho kami, du’n pa lang.”

Samantala, ayaw aminin ni Marian kung magkano ang talent fee niya para sa Beautederm Home. Basta ang sinabi lang niya, “Sosyal!”

Alam na!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.