Search
  • Pabs Hernandez III

Empleyado nalunod sa ilog

SOUTH COTABATO—Isang empleyado ang namatay nang mahulog at malunod sa ilog, kamakalawa sa Bgy. Landan, Polomolok sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Francisco Palen, nakatira sa Bgy. Polo sa nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat, lulan ng kanyang motorsiklo si Palen at habang tumatawid ito sa tulay ng Klinan River ay aksidenteng nahulog ang biktima.

Agad rumesponde ang mga residente, pero bangkay na nang maiahon sa ilog ang biktima.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.