BOOM TARAT TARAT

SIYAM na karera po tayo ngayong araw ng Biyernes sa Metro Turf sa Batangas, magsisimula po tayo ng alas-6 ng gabi kaya may panahon pa para pag-aralan ang programa ng karera at mga tips natin.
Paalala ko lang mga kapwa karerista na asintahin n’yo mga pili ko at talaga naman pong lalaban sila.
Umpisahan po natin sa Race 1 na isang Group Race, pili po tayo kina Artikulo Uno, (7), Total Defiance, (2) at dehadong Thy Will, (8). Sa Race 2 matibay na pang primera dito yung kalahok na si Disney Girls, (7) pamorkas natin ‘yung magkakuwadrang sina Quiet Ack, (1) at Spanish Creed, (1A).
Pili ko sa Race 3 sina Onemoretimesweety, (3) at Gunga Din (3A), at TiGer Helen, (5) habang lalagay ako kina Mighty Miggy, (8), Himig, (2) at Faith Into Action, (7) sa Race 4.
Sa Race 5 kursunada ko rito si Boom Tarat Tarat, (6) at Belle Royale, (7) habang pili ko sa Race 6 ay sina Dikoridik Koridak, (1) at Talldarkandhandsome, (1A) at Money Machine, (2).
Kay Manila Boy, (11) ako sa Race 7, isama natin sina Hayaku Jabez, (5) at Laughing Tiger, (7). Sa Race 8 na tayo at pang-ibabaw natin si This Time, (1) habang pili tayo ng pamorkas kina Jebel Ali, (4) at Bwana Miss, (5).
Dito sa last race marami o konti ang entry ay siguradong mahirap mamili, kaya tatlo ako dito sa Race 9, kina My Priviledge, (13), Azarenka, (3) at Yana Magnolia, (4) ako lalagay.
‘Yan na po ang kabuuan ng tips ko sana matulungan kayo ng mga pili natin. Good Luck!





Comments