Search
  • BULGAR

Arjo, may sabit pa… MAINE, WILLING MAGHINTAY

Rohn Romulo / RUN WILD!

DAHIL sa Twitter post ni Ria Atayde noong October 22 na, “If a guy and girl are both single, they should be able to date whoever they want.

“And a genuine sign of support is if you let them, if you accept it and if you become happy for them even if they don’t go for the person you’re rooting for. Just my two cents,” lalong lumaki ang isyu sa pag­de-date nina Arjo Atayde at Maine Mendoza, na parehong wala pang statement.

Una ngang natsismis ang dalawa nang makitang nagdi-dinner sa isang resto sa Makati, kaya umani nang sangka­ter­bang pamba-bash ang Kapa­mil­ya actor dahil alam ng publiko na may GF ito.

At this week nga, muli na naman silang nakitang magka­sama sa club XYLO at The Palace sa Taguig noong October 20, kaya katulad ng inaasahan, binash na naman si Arjo.

At dahil sa pakikisawsaw ng sister niyang si Ria, ito naman ang bina-bash ngayon, pero may mga nagtatanggol din at kara­patan daw ‘yun ni Ria na ipag­tanggol ang kanyang kapatid sa mga bashers.

May nagsasabi pa na pipili lang daw ng makaka-date si Maine ay kamukha pa ni Alden Richards, na okey naman sa iba at bagay din naman daw.

At kung may pupuntahan nga na maganda ang kanilang pagde-date, dapat daw na hayaan na lang sila dahil karapatan naman nilang lumigaya.

Kahapon naman, may tweet si Maine, “Mas masarap ang mga bagay na pinaghihirapan natin.. mga bagay na hindi PINIPILIT; hinihintay ang TAMANG PAGKAKA­TAON; dumating na hindi inaasahan; binabago ang mga buhay natin.” - Lola Nidora

“Lahat ng bagay may tamang panahon. Happy #AlDubTP3Years, ADN!”

At katulad ng inaasahan, binigyan na naman ito ng ibang meaning at nagsagutan na naman ang mga fans, na karamihan sa AlDub Nation ay susuportahan pa rin sina Alden at Maine, kahit na magkaiba na ang kani-kanilang projects at kahit nga sa ngayon ay imposible nang maging sila.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.