40 gowns na ginamit ng mga beauty queen, ninakaw
- Joy Repol Asis
- Oct 26, 2018
- 1 min read
TINANGAY ng mga kawatan ang nasa 40 gowns na isinuot ng iba’t ibang beauty queens sa France.
Ito ay makaraang pasukin ng magnanakaw ang headquarters ng Miss France Organizing Committee.
Sa isang pahayag ng organizer ng pageant na si Genevieve de Fontenay, ang mga ninakaw na gowns ay pawang ginamit sa finals ng Miss France.
Kabilang sa tinangay ang gown na isinuot ng kauna-unahang African-born na nakasungkit ng titulo na si Sonia Rolland noong 2000.
Dahil umano sa insidente, malaking bahagi ng kasaysayan ng Miss France ang nawala.





Comments