- Pabs Hernandez III
2 kelot niratrat ng mga armado
ABRA—Dalawang lalaki ang namatay nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Kimmalaba, Dolores sa lalawigang ito.
Nakilala ang mga biktima na sina Roland Lazara at Rodel Pilor, kapwa nakatira sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nakasakay sa motorsiklo sina Lazara at Pilor nang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang dalawang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.
0 comments