Search
  • Pabs Hernandez III

2 bigtime tulak timbog

LAGUNA—Dalawang bigtime drug pushers ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Canlalay, Biñan City sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga suspek na sina Ariel Santos at Maricel Amante, kapwa nakatira sa naturang barangay.

Nabatid na mahigit limang gramo ng shabu at markadong pera ang nakumpiska ng mga awtoridad sa pag-iingat ng mga suspek.

Nakapiit na sina Santos at Amante na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.