Search
  • BULGAR

‘Ika nga, honesty is the best policy, teh! BABAENG PINAPAYUHANG MAGING TAPAT SA MANLILIGAW UPANG MAG

Maestro Honorio Ong

KATANUNGAN

  1. May tinakasan akong masamang kara­na­san sa aming probin­siya. Naging biktima ako ng panghahalay ng sarili kong kuya na kapatid ko lang sa ama.

  2. Sa ngayon ay nama­masukan ako sa isang gro­cery at naisipan kong su­mangguni sa inyo dahil may nanliligaw sa akin at malapit ko na siyang sa­gutin.

  3. Kaya nais ko ring malaman, Maestro, kung dapat ko bang ipagtapat sa kanya na naging bik­tima ako ng panghahalay, bago ko siya sagutin o kapag magkasintahan na kami ay saka ko na lang ikuwento sa kanya ang aking masamang naka­raan?

  4. Balak ko na kasi siyang sagutin sa birth­day niya sa November 16. Tama ba ang iniisip kong ito at siya na kaya ang la­laking nakaguhit sa aking mga palad na tatang­ga­pin ako sa kabila ng aking mapait na nakaraan?

KASAGUTAN

  1. Ganito ang sinasabi ng guhit ng iyong palad, Ms. Pisces, kung saan hindi na­man magbabago ang pagti­ngin sa iyo ng manliligaw mo na balak mo ng sagutin o ma­ging boyfriend, ito ang nais sabihin ng kaisa-isang ma­linaw at magandang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Ibig sabihin, kung ipagtatapat mo sa kanya ang iyong nakaraan bago mo siya sagutin sa darating na Nob­yembre, ma­nanaig pa rin naman sa dakong huli ang kaisa-isang maganda at malinaw na Marriage Line (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay maliwa­nag na tanda ng isang ma­ligaya at matagumpay na pag-aasawa na kinumpirma rin naman ng maaliwalas at maganda mong lagda.

  3. Ibig sabihin, bagama’t may pangit kang nakaraan, hindi naman ito makaa­apek­to sa kasalukuyan mong bu­hay basta magi­ging tapat ka sa iyong manliligaw upang minsan pa tulad ng nasabi na, ang mananaig pa rin sa dakong huli ay ang dalisay at wa­gas na pag-ibig ng lalaking pagka­kalooban mo ng iyong tiwala at pagma­mahal.

DAPAT GAWIN

Samantala, ayon sa iyong mga datos, Ms. Pis­ces, hindi makasasagabal sa kasaluku­yan ang mapait mong na­karaan sapagkat tulad ng nasabi na, ang maganda at maayos mo pa ring Marriage Line (Drawing A. at B. arrow a.) ang ku­mumpirma na sa bandang huli, ang takdang kapalaran pa rin ang masu­sunod kung saan kayo na nga ng lala­king kasa­lukuyan mong man­liligaw ang magka­ka­tuluyan at naka­takdang mag­sama sa pagbuo ng isang ma­ligaya at pangha­bambuhay na pa­milya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.